42 w ·Translate

' TULA para kay CLASSMATE ''
sinong di maaaliw
sa kaklase na baliw,
sa kanyang palihim na tawa
siguradong ika'y mahahawa.
magkatabi sa upuan
utak ang puhunan,
habang sabay na natututo
samahan naman ay nabubuo.
mga bagay na walang
katuturan
kayo kayo lang ang
nagtuturuan,
kung ang isa ay may
kakulangan
nagkakaisa sila at
nagtutulungan.
may kaklase na makulit at
magulo
ingay at saya sya ang may
pakulo,
meron namang mabait lang at
tahimik
daig naman ang adik kung
magtrip.
palakasan sa asaran
pikon ang talunan,
mga tulakan at hilahan
uso yan sa pilahan.
takbuhan at habulan sa
recess
parang nagtagtag lang ng
stress,
sa mga kinakabisa na turo
ng kanilang mahal na guro.
sa pagsusulit ay may
tulungan
palihim na silip at mga
bulungan,
kanilang tawag dito'y
bayanihan
sa madaling salita ay
kopyahan.
kaya't sa ating paghihiwalay
ng landas
kung saan man tayo dalhin
ng pantas,
ito lang ang aking pabaon
ang ating masayang kahapon.
mga ala-ala natin iyong ibaon
at wag na wag mong itapon,
ang ating magandang
nakaraan
sa minahal nating
paaralan.

Written by:ks dump 🦋