Secret Confessions
Secret Confessions

Secret Confessions

@SecretConfessions

Message this page to confess your feelings . And together let's hear our friends how they react on your situations.

#confession15

NAPAKA-HOPELESS NG GENERATION NGAYON

#payongkapeso

Hello kapeso. I am a public school teacher. 8 years teaching.
Married. No loan ever since. Nalulungkot. Naiinis. Napapagod. Nawawalan ng gana. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Iba na talaga generation ngayon ano po?

Habang tinatype ko ito. Nakatingin ako sa klase ko. At nakaupo sa likod. Kasi tumigil ako sa pagtuturo dahil sa kawalang disipilina nila.

Generation nowadays napaka hopeless na.

Tinuturuan ko ay Grade 2 dito sa probinsiya.

Napagod na ako maging mabait , masipag at maging mabuting tao. Kwento ko lang po.

Nagtuturo ako kanina. And nobody listens. I am very prepared with everything. May pa energizer, nagpapakanta ako. Bumili pa ako ng projector para lang maging interesado at interactive ang lesson ko everyday. At para naman di ma left behind sila sa technology.
Kahit mahal sige binili ko para sa mga bata.

Pero what did I get? Walang nakikinig. Walang modo kung sumagot sakin. Dadaanan daanan ka lang. Sasagot sagutin ka lang nila.

Walang disiplina. Kahit nung beginning of school yr ay nag set ako ng rules. Pero walang epekto.

Alam niyo po mga bata ngayon, di na madaan sa positive discipline. Napaka malumanay ko sa klase ko. As much as possible ayoko nagagalit kasi ayoko ma-stress. Pero napapansin ko ngayon, kahit idaan mo sa mabuting paraan di nagiging behave ang mga bata. Pero pag sinagad na nila pasensya mo at nagalit kana. Saka sila titigil at magbebehave. It should not always be like this. Wala silang pakialam sa teacher. Wala na pakialam kung matuto sila o hindi. Kasi alam nila makakapasa naman kahit pasang awa ang grades.

Nakakalungkot mga kabataan ngayon. Kahit gRade 2 marunong na mag mura, magsabi ng masasamang Salita. Nakakagawa na ng krimen. Exposed na sa mga adult things. Yes totoo po. Nangyayari yan sa klase ko. And I can't even imagine kung saan galing ang ganito nilang pag uugali.Kaya naniniwala ako na kahit bata kayang gumawa ng krimen. Dahil may pag iisip na sila.

Napapagod na ako. Gusto ko ng mag resign.

I am very passionate in teaching but I cannot see myself retiring in DepEd. Di ko kayang bastusin na lang ako ng mga batang ito. Ayokong magkasakit dahil sa stress sa pagsasaway. Wala akong problema sa paper works at colleagues. But everyday is a misery sa pag-tuturo sa mga batang tulad nito.

I asked my husband that I want to resign and apply abroad. And he said, he supports me. Maghahanap na ako online jobs abroad at hopefully makapag resign ako agad.

Dear parents, pls raise a child properly. They really need your help. DISCIPLINE STARTS AT HOME.

I'm sorry to say this. Ang kabataan ay HINDI pag-asa ng bayan.

Salamat sa pagbabasa.

ORIGINAL POST: CFO PESO SENSE

San kayo girls?

Mayaman pero di gwapo?
Gwapo pero di mayaman?
3 Total votes

#confession14

Hello Admin, pkihide identity po ang aking pagkakinlanlan may ka live-in partner po ako ngayon Isa siyang Marino at nagkakilala kmi sa isang datingsite una chat lang hnggng sa nagkagaanan na kmi ng loob at naging kami na at onboard po siya noon hnggng nag Plano kmi mag meet sa pag uwi niya at marami kming Plano na magsasama na kmi pag uwi niya ako nmn natuwa na kasi single po ako pero Siya hiwalay sa wife niya at may anak na dalawa. hnggang dumating na nga Ang oras na kmi nagsama kumuha kmi ng apartment dalawa at nagsama hnggng Isang araw may nagchat sa knya at nabasa ko lahat..Ang wife niya na tinatanong Kong kelan Ang uwi niya nagulantang po ako sa nabasa ko kasi Ang alam ko hiwalay na cla Ng unang wife niya yon pla Hinde hnggng kinonpronta ko Siya Sabi ko ano ito? Hinde Siya makasagot agad hnggng pareho kami umiyak at doon na cnsbi saakin na Hinde talaga sila hiwalay Ng kanyang Asawa 3rd Engnr.. po Siya sa barko . At ginawa ko pinapili ko Siya Kong sino saamin Ng asawa niya ako daw ang gusto niya makasama at sustento na lng daw Ang ibibigay niya sa Asawa niya at Hinde na Siya uuwi sa probinsiya ayaw ko rin Siya mawala saakin dahil mahal na mahal ko Siya oo alam ko maibash nyo ako pero nagmahal lang Naman ako pero alam Kong Mali masisi nyo ba ako pero ano po magandang paraan para kmi maging legal gusto ko Sana IPA annull yong kasal nila Ng wife niya at nasabi ko na sa bf ko yon daw Ang gagawin niya sa tamang panahon naghahanap lng daw Siya ng time pra kausapin Ang asawa niya at sasabihin niya lahat Ang tungkol saamin admin tanong ko lang papayag kaya Ang wife niya Kong sakali gawin Ng bf ko yon..mkipaghiwalay Siya..Advice nmn please!!😔😔😔😔

#confession13

Good day admin,Sana po mapost po ito😊 and paki hide po account ko.
Gusto ko lng po humingi ng advice.
May naging bf po ako,nakilala ko po siya sa fb lng pero dummy account gamit niya and ganon din po sa akin.April 20,2020 naging kami...lagi niya sinasabi sa akin na gusto niya vc kami kaya lng that time keypad po gamit ko so never po kami nagka vedio call.Nong time na nagkaroon ako ng touchscreen na phone lagi kong sinasabi sa kanya na vc kami,kaya lang siya nman ang may ayaw...yon po ang lagi namin pinag aawayan but since mahal ko siya pinagpatuloy ko po ang relasyon namin.Naging kami for almost 2 years din.
Ang dami naming plano sana.Gusto niya ako puntahan kung wala lng sanang pandemic.Gusto niya pasyal kami since adventurous po siya.Everyday call and text po kami.
Mabait siya,sobrang sweet niya (ang swerte ng magiging asawa niya😊)...
Kaya lng bigla siyang naglaho,hindi ko na makontak laging cannot be reached or unattended...bumili ako ng new sim pero ganon parin eh so I think nagbago na siya ng sim..
To my ex.Kmusta kana?Sana okay ka LNG, sana masaya ka ngayon😊.Thank you dahil dumating ka sa buhay ko.Thank you dahil minahal mo ako at thank you dahil binigyan mo ako ng chance na mahalin ka.Ingat ka lagi wag mo pababayaan sarili mo.Be happy always 😊
This is for you mister 0951***4373 (ayoko lng sabihin ang name)
Thank you admin😊

#confession12

Hi admin,tama lng ba mkipag communicate p rin ako sa ex ko khit may boyfriend na ako?
Seaman ang ex ko,seaman Din ang bf ko ngayon, ng breakup kami ni L(my ex), after 14 months ldr, dhil nalaman ko at nahuli ko tlga n may iba sya bukod skin,di madaling mg move on😔
Naranasan ko lhat ng sakit😭😭😭pero kinaya ko,nakaya ko,di ko siya block at unfriend, ignore ko lang.di ko nmalayan sa araw2x ko nkikita n online siya, naging manhid na ako,di na ako apektado makita ang account niya sa "ACTIVE NOW"
Sinisilip ko lng message nya sa spam..at always sia present viewers ng my day ko.ganun pla pag totally move on kana no?di kna apektado sa lhat...
last December,ng greet siya ng mery Christmas,dhilan n ng reply ako...at mula nun,regular na sia mg message skin,kahit seen ko lng mg reply ako sometimes if needed,sinagot ko rin ang call niya gusto niya daw ako mkita🤭🤭🤭gnun pla tlga pag wla k nag pgmamahal sa isang tao kahit ipilit niya sarili niya sayo,di kana mka ramdam ng kahit ano.dhil natuto kna sa sakit na ginawa niya sayo..we're still chatting until now, As a friend,without benefits..
IBA TALAGA PAG BABAE NA ANG AAYAW.
And now admin,happy na ako sa bf ko, 9monthsary namin today, at kasalukuyang onboard siya..
Tama lng ba admin na nagkakausap pa rin kami nag ex ko khit bilang magkaibigan nlang?mahal ko ang boyfriend ko, wla siyang ginawa araw2x skin kundi ipadama kong gaano nia ako kmahal at kahalaga,ldr pa din naman kami pero di ko ramdam n malayo siya skin, (kinikilig pa ako admin pag inaaway ko na umiiyak sia🤭😁😁di kasi bagay😁pero ang cute niya😊)shout out sa mga seaman na iyakin dyan.ang cute nyo tingnan🙈😂
THANKS ADMIN, sana mapayuhan neo po ako..GOD bless❤
❤LIAN❤