Pansin mo rin ba, na yung buhay natin para syang byahe ng isang MRT o LRT tren? Sa bawat istasyon may baba, may sasakay. May makakasabay tayo sa pagbaybay papunta sa destinasyong nais natin? Yung iba, makakasama natin pansamantala sa byahe, meron din naman hanggang sa dulo ng byahe. Pero mas madalas kesa sa minsan, pag tigil natin sa takdang istasyon natin, nandon tayo na tutungo sa nais natin destinasyon habang kailangan nating iwan ang iba para sa kani kanilang sariling destinasyon naman. May panahon na minsan, na kailangan natin talaga mawala sa mata ng iba para tahakin ang ating sariling destinasyon.