Kailan man hindi magbubunga ng masama ang ginawa mong mabuti sa kapwa, pero kung ikaw ay gumawa ng masama sa kapwa ganon din ang magiging bunga nito sayo.
Sabi nga,
"Kung ano ang iyong itinanim, siyang aanihin"
Madadaya natin ang tao pero ang Diyos hindi. Dahil nakikita Niya ang bawat kilos natin.
Mababasa natin yan sa,
Mga Taga-Galacia 6:7 RTPV05
"Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.
Kaya kung may gagawin man tayo, gawin natin ito ng may takot sa Diyos para mailayo tayo nito sa kapahamakan.
Ugaliin rin natin na kapag meron tayong gagawin, humingi muna tayo ng karunungan galing sa Diyos, kasi alam Nya ang ating motibo, kung ito ba ay para makatulong sa maraming tao o para lamang makamtan ang pansariling hangarin.
Ito ang mababasa natin sa,
Kawikaan 16:9 ASND
“Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa PANGINOON ang kaganapan nito.”
“You may make your plans, but God directs your actions.” —Proverbs 16:9
Mas maganda kung nasa ayos ang lahat ng aksyon natin sa mga bagay kesa tayo ay magkamali at humantong pa sa paggawa ng masama sa kapwa.
Rooting for you! Never give up! See you at the Top! 🙏🏽☝️❤
Be inspired awakened & motivated.
Choinoi Bajado
Delete Comment
Are you sure that you want to delete this comment ?
Loubna Zine
Delete Comment
Are you sure that you want to delete this comment ?