23 w ·Translate

Dati nasanay ako sa medyo may karangyaang buhay like naibibigay nina mama ang gusto ko, mga mangangailangan naming magkakapatid. Lumaki ako sa puder nila. Like kapag kailangan ko ng tulong kay mama palagi ang takbo ko.

Ngayon 3 months na akong malayo sa kanila, namumuhay mag isa dito sa Batangas. Naghanap ng opportunity like trabaho para makatulong. But then guys, narealized ko bigla ang hirap pala kapag may problema ka, wala kang mama na malapitan, matawag, maiyakan personal like kasi dependent ka and ang hirap mag adjust ng nakasanayan. Ang hirap magbudget ng pera kasi maluho ako noon. Ang daming kelangan baguhin, ipag improve ng mag isa.

Kaya kayo guys hanggat kasama nyo ang pamilya nyo, mga magulang nyo ay nasa tabi nyo ienjoy nyo lang to the fullest. Magsanay na maging independent kasi hindi naman habang buhay makakasama nyo sila, para natin kapag malayo ka man sa kanila marunong kana sa buhay, dika mahihirapang mag adjust. Thankful naman ako na kahit papaano nakakaya ko na, dami ng improvements sa akin. Happy ako na nakakatulong na ako ngayon sa kanila kahit sa maliit lamang na halaga.

#encouragement #sharingmythoughts #dependenttoindependentwoman #positivethoughts